Ang pag aabuso ng mga bata ay isang napakalaking problema

 

Pang aabuso ng mga bata o child abuse.

Ang social issue na ating talakayin ay ang issue na pang aabuso ng mga bata. Nakikita ang pang aabuso ng bata sa noli me tangere sa pamagitan ng pagkawala ng dalawang onsa at pagkamatay ni crispin. Ang isa sa dalawang anak ni Sisa na si crispin ay sacristan na pinagbintangang nagnakaw ng dalawang onsa sa simbahan. Nawala ang karapatan na maging bata nina crispin at ang kanyang kapatid na si basilio dahil ginawa silang sakristan. Sa kabanatang 15 inilarawan ang kwento ng pag durusa sa kamay ng sakristang mayor nina krispin at basilio. Na matay si crispin sapamamagitan ng walang awing pag hagupit sa kanyang murang katawan. Ang pag aabuso ng mga bata ay isang pagagawa ng tao na mas matanda sa pamamagitan man ng pagkilos o pagkabigo na kumilos ay sanhi ng pinsala, pagkamatay o pinsala sa damdamin o peligro sa bata. Ang child abuse o pag aabuso ng mga bata ay hindi lang nagaganap sa pilipinas kundi sa buong mundo. Ang pag aabuso ng mga bata ay isa sa mga sanhi kung bakit may mga bata na nahihirapan sa buhay. Isa ba itong maliit na problema? Hindi, isa itong napakalaking problema dahil masisira ang buhay ng isang bata kapag ipapatuloy mo ito.

 


Ang pilipinas ay hindi exempted sa mga bansa na nakaranas ng child abuse. Ayun sa report ng sunstar cebu noong pebrero 17 2021, isang kapit bahay sa talisay city cebu na si Jennifer Deligero Lamberte ang nakakuha ng video sa isang nanay na binugbog ang kanyang apat na taong gulang na anak. Sa video, ang anak ay umiiyak na parang walang bukas at sinabi pa ng nanay na dinidisiplina lang niya ang kanyang anak. Salamat sa diyos ang bata ay tinulungan at nasa kostudiya na ng department of social welfare and development. Ito ay isang kumon na situasyon ditto sa pilipinas na ang mga magulang ay bubugbugin nila ang kanilang anak ng todo-todo dahil “disiplina” raw. Ang pagdisiplina ng isang anak ay parte ng pagmamahal sa isang magulang ngunit aang ginawa ng babae ay binugbug niya yung bata na walang awa, syempre hindi pagmamahal yan. Noong octobre 17, 2017 ayon sat v patrol isang ina rin ay ginamit ang kanyang anak para manalisi ng mga selpon. Na kunan sa cctv itong pangyayari sa isang mall sa angeles pampangga. Pumasok ang isang ina at ang kanyang apat na taong gulang na anak para mandukot ng selpon. May selpon kasi nan aka charge sa counter at agad niyang tinawag ang bata para kunin yon.  Ang pag aabuso ay hindi lang puro pananakit ng mga bata kundi ang pagagamit din ng mga bata sa mga gawaing illegal gaya ng pagnanakaw o droga.

 


Bilang isang estudyante na nag aaral para sa kinabukan ng bayan marami akong maitutlong para mahinto ang pag aabuso ng mga bata. Ayon sa sinabe ni Dr. Jose Rizal na ang kabtaan ang pag-asa ng bayan. Sa simpleng blog na ito pwede kong mapatunayan na hindi tama ang pag aabuso ng mga bata. Itong blog na ito ay isang “way of raising awareness” para sa mga tao. Ang magagawawa ko rin ay ang pagpayo sa mga magulang na mahalin ang kanilang anak at bigyan ng limit ang pamamagitan ng desiplina. Makakatulong ito sa paghinto ng pagaabuso ng mga bata dahil halos lahat ng mga ulat tungkol sa pagaabuso ng mga bata ay dahil sa mga walang awa na magulang. Ang pagpayo sa kanila sa social media ba o pagpost ng artikulo ay pwedeng makapag bigay alam sa mga magulang. Dapat kong ipa alam sa lahat ng tao na ang pagaabuso ay walang magandang epekto sa iyong buhay. Kasali rin ako sa mga matanda at kaylangan ko rin controlin ang aking sarili. Dadatin rin  sap unto na ako ay maging magulang kaya dapat ko controlin ang sarili ko. Kapag may makikita akong mang aabuso, dretso kong e sumbong sa pulis para makulong yung mang aabuso. Lagi kong tandaan na ang pang aabuso ay hindi lang basta-basta kuni malaking problema.

Comments