Ang pag aabuso ng mga bata ay isang napakalaking problema
Pang aabuso ng mga bata o child abuse. Ang social issue na ating talakayin ay ang issue na pang aabuso ng mga bata. Nakikita ang pang aabuso ng bata sa noli me tangere sa pamagitan ng pagkawala ng dalawang onsa at pagkamatay ni crispin. Ang isa sa dalawang anak ni Sisa na si crispin ay sacristan na pinagbintangang nagnakaw ng dalawang onsa sa simbahan. Nawala ang karapatan na maging bata nina crispin at ang kanyang kapatid na si basilio dahil ginawa silang sakristan. Sa kabanatang 15 inilarawan ang kwento ng pag durusa sa kamay ng sakristang mayor nina krispin at basilio. Na matay si crispin sapamamagitan ng walang awing pag hagupit sa kanyang murang katawan. Ang pag aabuso ng mga bata ay isang pagagawa ng tao na mas matanda sa pamamagitan man ng pagkilos o pagkabigo na kumilos ay sanhi ng pinsala, pagkamatay o pinsala sa damdamin o peligro sa bata. Ang child abuse o pag aabuso ng mga bata ay hindi lang nagaganap sa pilipinas kundi sa buong mundo. Ang pag aabuso ng mga bata ay ...